THE CONQUEROR'S WEBSITE

Welcome to My New Blogging Blog


Follow My Blog

THE CONQUERORS WEB PAGE

This web page is created to conquer your mind and fill it with more knowledge as what our page’s name indicate. Our site also provide information to satisfy some of your curiosity in words, events and more. Furthermore this page is to open your minds about what is happening in the current world and to show you the reality.tent delivered directly to your inbox.


UNCOMMONLY USED FILIPINO WORDDEFINITION (ENGLISH Translation  FILIPINO Definition)EXAMPLE IN A SENTENCE (FILIPINO)
PahimakasLast Feast/Huling Handaan –  ang kahulugan nito ay huling salita o huling habilinHindi man lamang siya nagpahayag ng kaniyang pahimakas.
PaynetaComb/Suklay -suklay na nakapabalantok at karaniwang pampalamuti sa buhok ng babaePauling pahiram naman ng iyong payneta.
KabtolSwitch -pagpapalit ng isang bagay -pagpapalitan o pakikipagpalitan ng isang bagayNag kabtol ang dalawang bata ng kanilang mga baon.
AntiparaEye glasses/Salamin -salamin sa mata, lalo na iyong ginagamit sa pagsisidMaganda gamitin ang antipara dahil panangga mo ito sa sikat ng araw.
SalipawpawAirplane/Eroplano -isang uri ng sasakyang panghimpapawid ngunit mas mabigat kaysa hanginNamangha ako ng aking matanaw sa unang pagkatataton ang salipawpaw na lumapag sa damuhang bahagi ng aming paaralan.
Pulot-gataHoneymoon -panahon ng matamis na pagsasama ng dalawang bagong-kasalAng regalo ng mga magulang ni Jax sa kanyang kasal ay pagdadaos ng pulot-gata ng kaniyang naging asawa sa Italya.
KansunsilyoBoxer -tumutukoy sa panloob na salawal na panlalaki na may iba’t-ibang kulay, maliit at bikini ang istilo ng tabasGinamit na ni Andrei ang bagong biling kansunsilyo sa kanya ng kaniyang jowa.
BatlagCar/Kotse -ang batlag na termino ay maituturing na Puro o Lumang Tagalog -ang kotse naman na kasingkahulugan nito ay impluwensya ng nag mga Kastila sa ating wilaAng pinpangarap kong batlag ay kulay pula at may dalawang pintuan lamang.
AwangganInfinity -kalagayan o katangian ng pagiging walang hangganMamahalin kita ng awanggan.
GatSir -isang maginoo, titulo ng pagkamaharlika o pagkakadakilaNagbigay ng pagsusulit si Gat Sumbilio kanina at ito ay napakahirap

“LEFT OVER”

Sa paglipas ng panahon at sa patuloy na pag-usbong ng makabagong henerasyon, sa patuloy na pag-unlad at paglago ng teknolohiya ay patuloy nadin ang paglimot sa ating sariling wika. Nalimot na ang kahalagahan ng pagtangkilik sa nakasanayang kultura at nakasanayang lenggwahe.Ano nga ba ang kongkretong dahilan kung bakit unti-unti na itong kinalilimutan? Ang paglimot ba sa ating sariling wika ay may dulot na maganda?

Namulat tayo ngayon sa modernong panahon kung saan marami naring pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Mas likas na gingamit ang mga hiram na salita sa mga dayuhang nakaimpluwensya sa atin. Nagging madali satin ang makalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng social networking sites, text messeaging, mass media at iba pa. gumagamit din tayo ng mga salitang pinaikli o “Shortcut” sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao. Ang pagkahumaling natin sa mga dayuhang wika ay nakakaapekto sa atin para makalimutan ang mga lengguwahe na ating kinagisnan. Dahil nadin sa modernong panahon mas binibigyang pansin ng mga kabataan ang mga napapanahong uso o “Trending” kung saan dito nila halos ibuhos ang kanilang oras sa pagsasaliksik at pag-aaral nila sa ibang tradisyon at lengguwahe.

Hindi masama na tayo’y tumangkilik sa hindi sa atin, subalit kung kapalit nito ang paglimot natin sa ating sariling wika na nasisimbolo ng ating kultura na galing pa sa ating ninuno hindi ko masasabi na ito’y makatutulong satin. Isa at pinakaimportanteng dahilan kung bakit patuloy na nating nakakalimutan ang ilang tagalog na mga salita ay dahil hindi na ito nagagamit ng husto at hindi natin binibigyang pansin ang mga ito dahil na din sa mahirap bigkasin at mahiram unawain o malaman ang kahulugan ng mga salita. Tulad ng mga salitang Pahimakas, Kabtol, Pulot-gata at madami pang iba. Aminado tayo na mahirap talagang alamin ang mga kahulugan nito ngunit hindi ito sapat na dahilan para huwag natin ito bigyan ng pansin at tuluyang kalimutan ang mga lengguwahe. Bilang kabataan magsilbi sana tayong modelo o ehemplo at simulant nating bigyang halaga ang mga salitang tuluyan nang nakaligtaan o tuluyan nang naiwan sa nakaraan.

Ang pagmamahal sa sariling wika ay hindi nakakababa ng pagkatao datapwat mas nakakabigay tayo ng dignidad sa atin bansa at magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagmamahal sa sarili nating bansa at lengguwahe. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal “Ang hindi marunong magmahal sa dariling wika ay, daig pa ang hayop na malasang isada”

CONTACT US:

burgosjoanamae@gmail.com

maliwat.angeline99@gmail.com

COMMUNITY:

kabataanonthego.home.blog

annexphotography.photo.blog

https://heritageconquerors.family.blog/

Design a site like this with WordPress.com
Get started